geneinthebottleRegine Ann M. Manabat. 19. University of Santo Tomas. AB Journalism. Insomniac. Amor Fati. Non-conformist. Loopy. Museums. The Beatles/John Lennon. Literature. Grafitti. Collar bones. Bad-ass movies. Photography. Tattoos. Vintage. Nutella. Starry nights. Indie bands. Books. Sunset. Europe. The Eraserheads/Ely Buendia. Morning skies. Music. City lights. Rock concerts. Colored pens. Rain. Wet pavements. Bows. Broadway musicals. Hippies. Milk Tea. Nature sounds. Art galleries. Sea food. And writing.

Photos of Me and You
Random Thoughts
Endless Stories

Read the Printed Word!

Me, elsewhere!

facebook
twitter
formspring

Twitter

    Following

    Marathon.

    Pagod pa sa pagod.

    Sobrang hasel lang sa masel ang paglalakad ng papers. Akala ko nung una kapag may event sa school, push lang ng push. Di pala. Ngayon tuloy, sobrang inaadmire ko yung mga taong nasa likod ng bawat successful na event sa school at sila ang naisip kong inspiration para matapos ko ang JOURNOLYMPICS 2012. Basta, ang hirap talaga. Swear. Yun tipong andami mo kelangang habuling tao, tas ang masaklap pa, wala kang karapatan na utusan sila na i-approve at i-sign ng basta basta yung mga papeles. Minsan pa hard to get pa yung iba. Hay buhay. Oh life.

    Isa pang nakakapagod na gawain: Mag walk in sa mga companies para sa OJT ko sa summer. !#$@@@@*&((P*&&%^^&$%^##$!!@#$%^&*(!

    Grabe lang. Pagod na nga, ubos pa pera. Taxi dito, tas jeep, tryk papunta don, at walang kamatayng lakad. Kulang na lang pati kalesa kanina sa Intramuros sakyan na namen. Nag luch kame pasado alas tres na. Wala kameng kamalay malay sa oras at nagulat na lang kame hapon na pala. Matutulala na lang kame sabay tanong na, “What devilry is this?!”

    Resume. Nagbihis pa kame ng matino kanina para mukang kagalang galang, yun pala ipapass lang resume at recom letter okay na. Sana pala nag jeans na lang ako. :|

    Intramuros, New Port Area, New Manila, Makati, Pasig, Mandaluyong, Ortigas. Kung puntahan namen bawat target company namen for OJT, isang tumbling lang. Nakakadagdag pa sa stress yung mga desk officer na kala mo kung sino, OA magsunget! Tsaka yung mga empleyado na kung makatingen naman kala mo siya CEO.

    At dahil Ash Wednesday, kahit gano ako ka haggardo verzosa pumunta pa rin ako sa pinakamalapit na simbahan. St Francis Church, dun sa may Ortigas. Feeling ko kelangan ako malagyan ng abo sa noo bago umuwe bilang proteksyon sa mga masasamang loob na makakasalamuha ko sa daan hanbang pauwe na ko. :))

    Pag uwe kong dorm, past 10 na tapos di ko na alam ang mga pangyayare. Basta nagising ako ng 12 tapos nakasapatos pa ko, at hawak ko pa yung papers na dapat kong pirmahan. Ang huling naalala ko lang, umupo ako sa kama para magpalit ng damit, pero nagulat ako na yung damit ko nakasuot pa rin.

    Pero makaraan ang ilang minuto, naisip ko wag ko na lang indahin ang pagod. Kase on the bright side.. ALAM KO MAY IBUBUNGANG MAGANDA ANG MGA PANGYAYARE NGAYONG ARAW. TIWALA LANG ANG KELANGAN. IPU-PUSH KO ‘TO! :)

    Leave a comment
    fly to Top
    Athenability
    Design by Athenability
    Powered by Tumblr